MANILA, Philippines – Sinuspinde ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga paaralan ang face-to-face classes ngayong Huwebes, Abril 25, 2024 dahil sa matinding init ng panahon.
#WalangPasok sa face-to-face ang mga sumusunod na lugar ngayong araw:
– Caloocan City – kindergarten hanggang senior high school, public at private; lilipat sa asynchronous classes
– Las Piñas City – all levels, public at private; lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– Malabon City – public schools, lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– City of Manila – all levels, public at private; lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– Muntinlupa City – kindergarten hanggang Grade 12, public; lilipat sa asynchronous modality
– Parañaque City – all levels, public at private; lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– Pasay City – all levels, public at private; lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– Pasig City – K-12, public; lilipat sa asynchronous classes
– Quezon City – automatic shift sa alternative learning modes sa mga pampublikong paaralan
– Bulacan – all levels, public; lilipat sa blended learning
– General Trias, Cavite – all levels, public at private; lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– Pampanga – all levels, public at private; lilipat sa online/modular classes
– Colegio de San Juan de Letran – lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
– University of the East – UE Manila at UE Caloocan, lilipat sa asynchronous sa lahat ng antas
– UP Manila – lilipat sa asynchronous classes mula Abril 25 hanggang 26
I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC