Home METRO Parak patay sa pamamaril sa Basilan checkpoint

Parak patay sa pamamaril sa Basilan checkpoint

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis habang nagdodokumento sa isang checkpoint operation sa Barangay Colonia, Lamitan City sa Basilan nitong Martes, Abril 23.

Ang biktima ay kinilalang si Patrolman Khalid Sali Ahmad, isang detailed personnel sa police community relations ng 1st Basilan Provincial Mobile Force Company (BPMFC).

Sa ulat, kumukuha siya ng mga alrawan ng nagpapatuloy na checkpoint nang barilin ito ng mga gunman na sakay ng motorsiklo.

“It was part of his duty to document the police activities. It was very unfortunate that while he was performing his duty, two unidentified men on a motorbike passed the checkpoint, and then suddenly made a U-turn. When Ahmad tried to stop them, the back rider shot him in the face, hitting his left eye, the bullet exited at the back of his head,” ayon kay Colonel Arlan Delumpines, city police director ng Lamitan city.

Gumanti pa ng putok ang mga pulis laban sa mga umatake kay Ahmad ngunit nagawa pa ring makatakas ng dalawang suspek.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring patay pagdating sa Lamitan District Hospital.

Ang pag-atake ang pinakabago sa serye ng mga harassment laban sa security forces, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na pulis ang biktima.

Marso 16 ng taong kasalukuyan, binaril-patay naman ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) sa Barangay Baimbing, 16 kilometro ang layo mula sa city proper ng Lamitan. RNT/JGC