Home NATIONWIDE Luzon, Visayas uulanin sa shear line, Amihan

Luzon, Visayas uulanin sa shear line, Amihan

159
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa shear line at Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa PAGASA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang mararanasan sa Eastern Visayas, Negros Occidental, Guimaras, Cebu, Iloilo, Capiz, Sorsogon, at Masbate dahil sa shear line.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Amihan sa Cagayan Valley, MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Western Visayas, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora, at Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains din ang iiral sa Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Amihan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here