Home METRO M-5.2 quake tumama sa Hernani, Eastern Samar

M-5.2 quake tumama sa Hernani, Eastern Samar

MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Hernani, Eastern Samar nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naitala ang lindol na may tectonic origin 60 kilometers sa silangan ng Hernani, Eastern Samar ng alas-9:18 ng umaga at may lalim na 12 kilometers. 

Iniulat ng PHIVOLCS na naramdaman ang Intensity III sa Carigara, Leyte, Dulag, at Abuyog sa Leyte, maging sa Villareal at Gandara sa Samar. 

Bagama’t walang inaasahang pinsala, nagbabala ang state seismologists sa posibleng aftershocks. RNT/SA