Home METRO M-5.5 lindol, yumanig sa Candoni, Negros Occidental

M-5.5 lindol, yumanig sa Candoni, Negros Occidental

382
0

MANILA, Philippines – Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 5.6 na lindol na yumanig sa Candoni, Negros Occidental bago madaling araw ng Lunes.

Sa isang update, ibinaba ng PHIVOLCS ang pagyanig sa magnitude 5.5.

Ang tectonic na lindol ay tumama nitong 3:06 a.m., na may epicenter na 09.70°N, 122.74°E – 018 km S 36°E ng Candoni at may lalim na focus na 61 km.

Naramdaman ang Intensity IV sa Candoni, Negros Occidental, Dumaguete City at Sibulan sa Negros Occidental.

Naitala ang Intensity III sa Jordan, Guimaras; at sa Bago City, Sipalay City, at La Carlota City sa Negros Occidental.

Naitala naman ang Intensity II sa Malinao, Aklan; Culasi, San Jose, Sebaste, at Valderrama sa Antique; Nueva Valencia sa Guimaras; Argao at Cebu City sa Cebu; Dipolog City, Liloy, Sindangan, and Siocon in Zamboanga del Norte; at Dumingag sa Zamboanga del Sur.

Samantala, naitala ang Intensity I sa Anini-y, Antique; Jamindan, Roxas City, at Tapaz sa Capiz; San Lorenzo sa Guimaras; Lungsod ng Bacolod; Talibon sa Bohol, at Asturias at Talisay City sa Cebu.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala ngunit maaaring magkaroon ng aftershocks. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here