Home NATIONWIDE Maaliwalas na panahon, localized thunderstorms inaasahan sa bansa — PAGASA

Maaliwalas na panahon, localized thunderstorms inaasahan sa bansa — PAGASA

131
0

MANILA — Inaasahan ang maaliwalas na panahon na may localized thunderstorms sa karamihan ng bahagi ng bansa ngayong Martes dulot ng umiiral na easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na magdudulot din ang easterlies ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Northern Samar at Eastern Samar. Nagbabala rin ang ahensya na maaaring magdulot ang malalakas na thunderstorms ng flash floods o landslides.

Mananatili naman ang mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin at bahagya hanggang katamtamang alon sa buong kapuluan.

Wala ring mino-monitor na low-pressure area na maaaring maging tropical cyclone, ayon kay Veronica Torres.

Nauna nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng northeast monsoon o “amihan” at ang pagsisimula ng warm and dry season.

Aabot sa 34°C ang pinakamataas na temperaturang inaasahan sa Zamboanga City at Davao City ngayong Martes.

Samantala, maaaring pumalo sa 40°C ang heat index sa Dagupan City at 34°C naman sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nauna nang nanawagan ang PAGASA sa publiko na mag-ingat upang maiwasan ang heat stress. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here