Home NATIONWIDE Mabilisang aksyon sa port congestion, ipinag-utos ni PBBM

Mabilisang aksyon sa port congestion, ipinag-utos ni PBBM

167
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na pagaanin ang pagsisikip ng Manila South Harbor and Manila International Container Terminal (MICT).

“Kung anuman po ang nagiging problema dito sa port congestion, iyan po ay pinapatutukan ng Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press conference sa Malakanyang.

Sa katunayan, nakikipag-ugnayan na ang Malakanyang sa Bureau of Customs (BOC) para pag-usapan ang napaulat na pagsisikip ‘major ports’ ng Maynila.

“At dahil po diyan nakausap po mismo natin ang pamunuan ng Bureau of Customs at ang sabi po nila sa atin ay usually nagkakaroon ng port congestion kapag weekends pero kapag weekdays ay nagiging maayos naman, nagiging normal po ang flow,” anito.

“Updated po ang Pangulo, at dapat po lamang tugunan agad kung anuman ang nagkakaroon ng problema, mabilisang pagtugon ng mga nasasabing ahensiya,” aniya pa rin.

Tinukoy ang kalatas ng BoC, sinabi ni castro na ang port operations ay kadalasang “smooth” tuwing weekdays, sabay sabing ang port congestion ay kadalasang nangyayari tuwing weekends.

“At ang ulat po nila sa atin ngayon at akin pong babasahin: Ang yard utilization levels sa Pilipinas ay nananatiling mababa sa 90 percent as of February 19 na ni-report po ng Bureau of Customs.

Sa Port of Manila nasa 79.80 percent, Manila International Container Port nasa 84.45 percent, ilang major ports kabilang ang Batangas ay nasa 49.60 percent, Subic 60 percent, Cebu 33 percent at Davao na nasa hanggang 68.34 percent lang. May kakayahan din pa rin po ang mga port operators na ipagpatuloy ang paglilipat at pagproseso ng mga kargamento sa loob ng kanilang lugar,” litaniya ni Castro.

“May kakayahan din pa rin po ang mga port operators na ipagpatuloy ang paglilipat at pagproseso ng mga kargamento sa loob ng kanilang lugar,” aniya pa rin.

Tinuran pa ni Castro na sa ngayon ay wala pang agarang banta ng paghinto sa paggalaw ng mga container.

At ayon din aniya sa BOC, isinusulong ng ahensiya ang mga agarang hakbang na madaling maipatupad at nakatuon sa mas maagang pagkuha ng impormasyon, mas maayos na koordinasyon at kahandaan sa kapasidad upang matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon.

Kabilang aniya ay ang mga hakbang ng Customs administrative order sa accreditation ng container yards. Magpapatupad din aniya ang BOC ng regular na quarterly meeting para sa koordinasyon at pagtaya kasama ang mga international shipping line at mga stakeholder ng pantalan bilang paghahanda sa mga buwan na karaniwang mataas ang paggamit ng pasilidad.

Suportado rin aniya ng ng BOC ang infrastructure readiness initiatives particular na ang investments sa mga karagdagang facilities at complimentary policy issuances.

“So, nananatiling aktibo ang crisis management protocols ng BOC kung sakaling umabot sa critical level ang utilization rate. So, iyan po ang agaran nilang pagtugon sa sinasabing issue tungkol sa port congestion,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here