Home NATIONWIDE Mactan-Cebu Int’l airport isinara sa nagkaaberyang PAF aircraft

Mactan-Cebu Int’l airport isinara sa nagkaaberyang PAF aircraft

MANILA, Philippines – Isinara ang runway ng Mactan-Cebu International Airport nang humigit-kumulang tatlong oras ng madaling araw ng Miyerkoles kasunod ng insidente na kinasasangkutan ng isang Philippine Air Force (PAF) aircraft, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ng CAAP na nakatanggap ng advisory ang operation center nito dakong 2:24 a.m. hinggil sa isang disabled na Cessna 208 plane na nagresulta sa pagsasara ng runway ng airport dakong 2:15 a.m.

Sinabi ng CAAP na ang eroplano ng PAF na TGR322 ay “bounced on the runway and made a stop” at nagresulta ito sa pagka-stuck ng aircraft sa runway.

Nalinis ang runway bandang 4:45 ng umaga, habang nagbalik ang operasyon bandang 5:10 ng umaga.

Nasa 30 domestic flights at limang international flights ang apektado ng insidente. RNT