Home NATIONWIDE Dayuhang may kapansanan hinarang ng BI sa pekeng PH passport

Dayuhang may kapansanan hinarang ng BI sa pekeng PH passport

MANILA, Philippines – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang lalaking nagpakilalang pipi at bingi na nagmula sa bansang Thailand.

Ayon sa BI, kinilala ang lalaki na si Sengaloun Phimpa, ay hinarang matapos dumating sa bansa sakay ng isang Air Asia flight mula Bangkok.

Nabatid na nagpakilala si Phimpa na deaf-mute siya nang magpakita ng kahina-hinalang pasaporte sa mga tauhan ng immigration.

Sa pag-inspeksyon, nakita ng immigration officer na si Cristine Niepes ang maraming inconsistencies sa nasabing dokumento, na nag-udyok sa kanya na isailalim ito para sa tertiary inspection sa forensic documents laboratory ng bureau.

Sa isinagawang forensic inspection, nagsiwalat na si Phimpa ay nagpakita ng isang mapanlinlang na pasaporte, na may pekeng immigration stamp at Thai visa.

Nakuha rin sa pag-iingat nito ang Philippine TIN ID, Philippine postal ID, at iba pang Thai documents.

“We have reason to suspect that this man is pretending to be deaf-mute to avoid having to speak Filipino,” ani Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na sasailalim sa karagdagang imbestigasyon ang kaso ni Phimpa at kung mapapatunayang isa siyang dayuhan, ililipat siya sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa habang hinihintay niya ang resolusyon ng kanyang deportation case.

“Immigration officers are given the tough job of border control and protecting the country from illegal aliens,” ani Tansingco. “The alertness of our personnel deserves commendation,” dagdag pa nito. JAY Reyes