Home METRO Agusan del Norte capitol binulabog ng bomba

Agusan del Norte capitol binulabog ng bomba

BUTUAN CITY-BALIK na sa normal ang trabaho sa pamahalaan panlalawigan ng Agusan del Norte matapos suspendihin kahapon ng umaga (Martes) ang trabaho sa lahat ng tanggapan dahil sa bomb threat.

Ayon kay Agusan del Norte Community Affairs Officer (CAO) Edgar M. Palarca Jr., bandang 10:00 AM pinalabas ang lahat ng mga kawani at mga tao sa loob ng provincial capitol dahil malaking tubo na natagpuan sa harapan mismo ng kapitolyo.

Kaagad naman rumesponde ang mga kawani ng Agusan del Norte EOD at K9 team at isinailalim nila sa forensic ang naturang tubo.

Makalipas ang ilang oras at nasigurio ligtas na ang lahat sa panganib ay balik na sa normal ang trabaho subalit lalong nagdagdag ng paghihigpit.

Nanawagan ang kapitolyo sa lahat ng mga kawani ng probinsya at palaging magsuot ng kanilang ID ganun dun ang mga bibisita ay hihingan ang mga ito ng kanilang ID sa pagpasok at isasailalim sa inspeksyon ang kanilang mga bitbit na bag.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico