Home METRO Ginang na wanted nasakote sa pagkuha ng police clearance

Ginang na wanted nasakote sa pagkuha ng police clearance

CALACA, Batangas – NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang ginang na nasa listahan ng mga most wanted person habang kumukuha ito ng polie clearance nitong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Mary Jane Bay, may-asawa, Barangay Laguille, Taal, at nahaharap sa kasong human trafficking at nasa listahan ng mga wanted person ng Police Regional Office 4-A.

Sa report ng Calaca police station, bandang 2:44 p.m. kumukuha ang suspek ng police clearance ng madiskubre na may dalawa itong standing warrants of arrest para sa kasong qualified trafficking in persons na inisyu ng korte at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kasalukuyan nakakulong sa Calaca police station ang suspek para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Pinuri naman ni Police Col. Samson Belmonte, hepe ng Batangas police ang mga tauhan ng Calaca Municipal Police Station sa agaran pagkadakip sa suspek./Mary Anne Sapico