Home ENTERTAINMENT It’s Showtime!, may pansamantala nang kapalit!

It’s Showtime!, may pansamantala nang kapalit!

Manila, Philippines- Magte-take effect na sa October 14 hanggang 27 ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa It’s Showtime.

Ang naturang desisyon ng ahensya ay may kinalaman sa “cake icing” incident sa Isip Bata segment nito.

Pero may ibang programa ang balitang pansamantalang eere habang effective ang suspension.

Iba nga lang ang gagamitin nitong pamagat.

At iba rin siyempre ang magtitimon ng show.

The good news is that, walang dapat ikabahala o ikalungkot ang ilang staff and crew ng suspended show dahil magagamit ang kanilang serbisyo.

Earlier, umapela si Senator Bong Revilla para sa kapakanan ng ilang tauhan ng programang walang sasahurin sa duration ng suspension.

Ayon naman sa MTRCB, while their collective heart goes out to the staff and crew ay discretion daw ‘yon ng produksyon.

At least, with a new program coming up albeit with the same production people in it ay na-address ang concern sa kawalan ng mga talent fee o TF ng mga ito.

Nangako rin si Vice Ganda na bibigyan niya ng pinansyal na tulong ang mga nasa produksyon all throughout the 12-day suspension period.

What is heart-breaking though ay ang kulelat na ratings ng Showtime sa freeTV.

A case in point ay ang September 29 episode which fell on a Friday.

Poor third ang Showtime na nakakuha lang ng 2.8%.

Samantalang nangunguna pa rin ang E.A.T. with 4.2% rating.

Pumapangalawa naman ang Eat Bulaga na nakatala ng 3.2%.

Magulat tayo kung ang programang papalit pansamantala sa Showtime for 12 live broadcast days ay makapagtala ng mas mataas na ratings figures.

If it so happens, i-retain kaya ito ng ABS-CBN at tuluyang iligwak ang Showtime?

Eh, paano na kung ganoon ang kontrata ng Showtime sa GTV, posible kaya itong ma-rescind?

Well, the possibilities are endless. Ronnie Carrasco III