Home ENTERTAINMENT Heart, cover ng Indonesian mag!

Heart, cover ng Indonesian mag!

Manila, Philippines- Nitong nakaraang buwan lang, Heart Evangelista graced the cover of Icon, a magazine in Singapore.

Ngayong buwan naman ng October, si Heart ang nasa pabalat ng digital Harper’s Bazaar magazine sa Indonesia.

While this is yet another achievement for the local showbiz’s fashion icon, maraming netizens ang nanghihinayang why there seems to be a lack of recognition accorded to Heart dito sa ating bansa.

Ayon nga sa isang netizen, sinisisi nito ang pagkakaroon ng  crab mentality ng ilan sa ating mga kababayan.

But if it’s any consolation, sapat na ang papuring ito para maging masaya’t proud si Heart.

“Heart making a name for herself in the global fashion arena. No one comes close!” post ng netizen in an attempt to cheer up Heart.

Kunsabagay, hindi lahat ng local celebrities enjoy the same privilege as Heart does.

Obyus namang nag-enjoy si Heart while posing for Harper’s, saying: “Fun shoot!”

Anyway, maraming netizens curiously asked Heart kung pagkatapos daw ba niyang rumampa sa Paris Fashion Week sa France ay uuwi  na siya ng bansa.

Posible kasing lubus-lubusin na ni Heart ang pagkawala rito and fly next to the Los Angeles Fashion Week.

Mula October 18 hanggang 22 ‘yon.

Hindi nga lang nagbigay ng affirmative answer si Heart kung se-seguè na siya sa LA from Paris.

Heart, ikaw na ikaw na nga! Ronnie Carrasco III