Home ENTERTAINMENT Galit ni Gov. Homar sa Kamikazee, isiniwalat na!

Galit ni Gov. Homar sa Kamikazee, isiniwalat na!

Sorsogon, Philippines- Naiulat namin dito sa Remate Online na napilitang palayasin ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Homar ang bandang Kamikazee dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng attitude.

Supposedly, magtatanghal ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1.

Ito’y para sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival na idinaos sa bayan ng Casiguran sa nasabing lalawigan.

Dahil feeling nabastos umano, hindi na pinasampa ni Homar sa entablado ang Kamikazee.

Hindi na rin niya ito pinatuloy sa Residencia del Hamor.

Sa halip ay sinabi ni Hamor na magpaumaga na lang sa airport.

Pero nilinaw ni Hamor na bayad ang pagtatanghal ng banda.

Pero sumumpa siya na kailanman daw ay hindi na ito makakabalik sa Sorsogon.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA, nagsalita na ang punong-abala sa naturang event.

Si Jonathan Valdez ang in charge sa pag-iimbita at pagdadala ròon ng mga performers.

Natuklasan na tumamggi pala ang Kamikazee na magpakuha ng litrato sa bagong tourist attraction doon, ang Thousand Light Roses.

While both Imago and I Belong to the Zoo gamely acceded to Hamor’s request ay tumanggi naman ang Kamikazee.

Hindi rin daw ito bumaba ng van kahit naghihintay na sa venue ang gobernador.

Nagmamakaawang nanikluhod na raw si Jonathan sa banda para pagbigyan ang simpleng hiling ng gobernador.

Kahit sa sariling bulsa na lang daw ni Jonathan manggaling ang ibabayad sa Kamikazee para sa photo op.

Pumayag lang daw ang banda 30 minuto bago sila magtanghal.

Nakapagsalita tuloy si Jonathan na iba raw ang level ng kabastusan ng Kamikazee.

Sinabi pa niyang minsan lang daw humiling si Hamor na kilalang “kind, generous at considerate.”

Samantala, nagbigay naman ng napakaikli pero malabong sagot ang lead vocalist ng banda na si Jay Contreras.

Anito: “I choose love!”

Ano raw? Ronnie Carrasco III