Home NATIONWIDE Madre natagpuang patay, hubo’t hubad

Madre natagpuang patay, hubo’t hubad

LIPA CITY, Batangas — Isang 54-anyos na madre ang natagpuang patay sa kanyang apartment sa Barangay San Carlos dito noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sister Rita Rama mula sa Matanao, Davao del Sur.

Ayon sa imbestigasyon, dumating ang isang kaibigan para bisitahin ang biktima at napansin niyang naka-lock ang pinto at bintana at may mabahong amoy.

Kumatok siya at tinawagan ang biktima ngunit hindi siya nakatanggap ng tugon kaya humingi siya ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Dumating ang mga barangay official at binuksan ang apartment. Dito tumambad ang katawan ng biktima na may mga bahid ng dugo sa pribadong bahagi, hubo’t hubad at bloated ang katawan.

May mga bahid din ng dugo sa kanyang kama.
Nagpahayag naman ng kalungkutan ang Saint Therese of the Child Jesus Parish sa pagkamatay ng biktima.

Sinabi ng simbahan sa isang pahayag na pinamunuan ni Sister Rita ang mga komunidad sa misyon dito at naging instrumento siya sa pagtatayo ng mga bahay para sa mahihirap na pamilya kasabay ng pagtuturo ng relihiyon.

Samantala, nilinaw ng St. Therese of the Child Jesus Parish sa Talisay, Batangas na walang foul play o sexual assault sa pagkamatay ni Sr. Rita Rama.

“After a thorough investigation by the Lipa City Police and SOCO, and autopsy conducted by the forensic expert, it is believed that she suffered a myocardial infarction, commonly known as heart attack,” sabi ng parish sa official statement nito na inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Facebook page nito.

“No evidence of foul play or sexual assault was found.”

“Cremation immediately followed after the autopsy because her body was found in the state of advanced decay,” nakasaad pa sa pahayag. RNT