Home METRO Mag-ama pinagbabaril sa Laguna

Mag-ama pinagbabaril sa Laguna

MANILA, Philippines – KAPWA nasa kritikal na kondisyon sa pinakamalapit na pagamutan ang mag-ama makaraang pagbabarilin nitong Martes ng gabi, Abril 2, sa Purok 3 Barangay Ignacio, lungsod ng San Pablo, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang mag-amang biktima na pawang nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan na sina Renan Cascabel Y Ongriano, 60, may-asawa, Hog Raiser, at Joseph Cascabel Y Ongriano, 37, magsasaka, kapwa naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Samantalang ang suspek na patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad ay kinilalang si Lyndon Prudenciano, nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng Barangay San Joaquin, San Pablo City.

Base sa inisyal na ulat Ng San Pablo City Police Station sa tanggapan ni PCol. Gauvin Y. Unos, Provincial Director ng Laguna PPO, dakong alas-8:20 kagabi habang ang mag-amang biktima na kasalukuyang nakaupo sa labas ng kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek na armado ng hindi pa matukoy na baril at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Nabatid sa ulat na ang mga biktima ay kapwa nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa San Pablo District Hospital, samantalang ang suspek ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa mag-ama.

Inaalam pa ang motibo ng krimen. Ellen Apostol

Previous articleKomprehensibong protocol sa bansa sa panahon ng tag-init buuin – solon
Next articleRabies awareness program sa Ilocos pinaigting