Home NATIONWIDE Mag-ama pinagtataga ‘gang mapatay sa Quezon

Mag-ama pinagtataga ‘gang mapatay sa Quezon

MANILA, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Mulanay, Quezon.

Nakahandusay ang duguang mga bangkay ng amang si Dominador Constantino sa kanilang kusina habang natagpuan ang bangkay ng kanyang anak na si Rodelio may 200 metro mula sa kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ang suspek ay dating kinakasama ng isa pang anak ni Dominador.

“Ang una lang po naming nakikita ay nagagalit itong suspek dahil ayaw nang makipagbalikan sa kanya noong dati nang kinakasama,” ani Police Major Marlon Comia, hepe ng Mulanay Police.

Sumuko naman ang suspek matapos na tumakas at ngayon ay nasa kustodiya na siya ngayon ng Mulanay Police at nahaharap sa kasong pagpatay. RNT

Previous articleSenior high ginahasa saka kinatay sa NegOc
Next article61-anyos patay sa EMBO fire