Home METRO Mag-amang mangingisda, tiklo sa dynamite fishing

Mag-amang mangingisda, tiklo sa dynamite fishing

1
0

BATAAN, Philippines – Kalaboso ang mag-amang mangingisda matapos umanong maaktuhang gumagamit ng dinamita/pampasabog sa iligal na pangingisda sa karagatan sakop ng Sitio Looc, Barangay Banawang, Bagac.

Kinilala ang mag-amang suspel na sina alyas “Mang Ben” at anak nitong si alyas “Jay”, kapwa mga residente sa naturang lugar.

Sa ulat, naaktuhan ng magkasanib puwersa ng Pulisya at Bantay Dagat na nagpapatrulya sa karagatan ang mag-amang suspek na iligal na gumagamit ng pampasabog (dinamita) habang nagingisda.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang piraso ng improvised dynamite, hose, compressor at mahigit 35 kilos ng iba”t-ibang uri ng isda na pinaniniwalaang nakuha sa pamamagitan ng dinamita (Putok na isda) at ang bangkang gamit ng mag-amang suspek.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga suspek na mahaharap sa mga kaukulang kaso na may kinalaman sa iligal na pangingisda (RA No.10654). (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here