Home METRO Mag-asawa, 8-anyos na anak patay sa banggaan

Mag-asawa, 8-anyos na anak patay sa banggaan

277
0

PANGASINAN, Philippines – Patay ang mag-asawa at kanilang 8-anyos na anak habang sugatan ang 3-taon gulang pa nilang anak matapos bumangga sa kasalubong na bus ang sinasakyan nilang elf truck, noong Huwebes sa bayan ng Calasiao.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Ray Maure, driver ng Izusu elf freezer van, asawa nitong si Lea Navarro at kanilang 8-taon gulang na anak.

Patuloy naman ginagamot sa ospital ang sugatan nilang anak na 3-anyos at pitong pasahero ng 5-star bus kabilang ang driver.

Ayon kay PCapt. Godofrey Mercado, Operation officer ng Calasiao Police Station, bandang 11:00 PM naganap ang insidente sa Barangay Bued, Calasiao, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, makikita sa CCTV footage, nag-overtake si Maure sa kasunod nitong motorsiklo subalit napunta ito sa kabilang linya dahilan para bumangga ito sa nakasalubong na pampasaherong bus.

Sa lakas ng salpukan nayupi ang parehong sasakyan at nagtamo ng matinding pinsala ang mag-asawa at kanilang anak na agad naman dinala sa ospital ng mga rumespondeng otoridad subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang mag-asawa at kanilang anak.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at hinihintay ang desisyon ng magkabilang panig na sangkot sa aksidente kung magsasampa ng mga ito ng reklamo. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here