Home METRO Mag-asawa arestado sa pekeng titulo

Mag-asawa arestado sa pekeng titulo

MANILA, Philippines – INARESTO ng National Bureau of Investigation – Western Visayas Regional Office (NBI-WEVRO) ang mag-asawang Brixel Hope L. Evangelista at Rio P. Evangelista sa Jaro, Iloilo City sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng RPC thru Falsification of Public Documents sa ilalim ng Article 171 at 172 of the RPC.

Ang pagkakaaresto sa mag-asawa ay bunsod sa reklamo ng biktima kung saan nagpakilala ang una na may-ari ng lupa sa Brgy. San Fernando, Buenavista, Guimaras.

Inalok ng mag-asawa sa biktima na sinangla ito sa halagang P520,000.00 at nagkasundo at ang paunang bayad ng halagang P500,000.00.

Pero nang i-verify ng biktima sa register of deeds ay dito niya nalaman na peke ang titulo ng lupa.

Nagkasundo ang biktima at mga suspek na magkikita sa Jaro, Iloilo para sa kabuuang bayad pero bago ito nakipagkita ay nagsumbong na ito sa NBI-WEVRO, kung saan ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden