Home METRO Mag-asawa at anak tepok sa salpukan ng kotse at trak sa Sarangani

Mag-asawa at anak tepok sa salpukan ng kotse at trak sa Sarangani

232
0

SARANGANI – Nasawi ang isang mag-asawa at ang kanilang tatlong taong gulang na anak matapos masangkot sa salpukan ng kanilang sasakyan at isang prime mover trailer truck sa national highway sa Barangay Talus, Malungon, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Abdulmajid Sarapudin, 35, isang security guard; ang kanyang asawang si Ivy Lou, 33; at ang kanilang anak na babae. Lahat sila ay residente ng Barangay Labangal, General Santos City.

Ayon kay Arnel Pinque ng Malungon MDRRMO, nawalan umano ng kontrol si Sarapudin sa sasakyan matapos dumaan sa crack sa pagitan ng konkretong bahagi at aspalto ng kalsada.

Sumalpok ang kanilang Mitsubishi Mirage sa kasalubong na truck.

Idineklarang dead on the spot ang tatlo.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang truck driver.
/Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here