MANILA, Philippines – Apat katao ang nasawi sa sunog na sumiklab sa residential area sa
Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City nitong Lunes ng madaling araw, Abril 7.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), ang mga nasawi ay ang ama, ina, at dalawang anak edad 17 at tatlo, na miyembro ng iisang pamilya.
Ang mga ito ay nasa ikalawang palapag nang bumigay ang mezzanine sa kasagsagan ng sunog.
Sa ulat, sumiklab ang sunog 1:20 ng madaling araw na umabot sa unang alarma 1:41 ng madaling araw.
Idineklara namang fire out ang sunog 2:37 ng umaga.
Tinitingnan ng mga awtoridad na faulty electrical wiring o pag-overheat ng appliance ang dahilan ng sunog.
Tinatayang aabot sa P600,000 ang pinsala sa sunog. RNT/JGC