Home METRO Mag-asawa patay sa tambang!METRONATIONWIDETOP STORIES Mag-asawa patay sa tambang!July 6, 2024 16:241320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ang mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan sa Butuan City.Ayon sa mga pulis, dadalo sana ang mga biktima sa isang hearing sa barangay hall subalit nakansela ito.Habang pauwi ang dalawa, pinagbabaril sila ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang binabaybay ang Purok 5B sa Barangay Amparo.Isinugod ang mga biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.Sinisilip ng mga imbestigador ang alitan sa lupa bilang posibleng motibo sa pagpatay.Natukoy na ng mga awtoridad ang persons of interest.“Pineprepare na yung documents para sa filing ng kaso,” pahayag ni Butuan City Police Office Chief PIO, Lt. Crispolo Alburo. RNT/SA