MANILA, Philippines – Muling dumating ngayong hapon sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya para sa pagpapatuloy ng evaluation ng kanilang aplikasyon sa Witness Protection Program o WPP.
Nang tanungin ang mag-asawa hinggil sa kanilang aplikasyon, “no comment’ lamang ang kanilang naging tugon sa mga media.
Ang aplikasyon ng mag-asawa para sa WPP ay kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control project kung saan ilang mga mambabatas o matataas na opisyal ng gobyerno ang kanilang isiniwalat.
Isa ang pamilya Discaya sa mga malalaking contractor sa bansa na nakakuha maraming kontrata sa flood control project sa pamahalaan na ngayong ay patuloy na iniimbestigahan at dinidinig sa Senado. Jocelyn Tabangcura-Domenden