Home METRO Mag-asawang may-ari ng sari-sari store, sugatan sa pagsugod ng 3 lalaki

Mag-asawang may-ari ng sari-sari store, sugatan sa pagsugod ng 3 lalaki

MANILA, Philippines – Sugatan ang mag-asawang may-ari ng isang sari-sari store sa Bangued, Abra matapos silang sugurin ng tatlong lalaki dahil hindi ma-cash out ang pera ng mga ito sa isang e-wallet.

Sa kuha ng CCTV, sumugod ang isang lalaki sa lalaking may-ari ng sari-sari store. Pinaghahampas ito ng lalaki hanggang sa magpangbuno ang dalawa.

Sumubok pa ang misis ng may-ari ng tindahan na awatin ang dalawa ngunit nadamay ito.

Kalaunan ay dumating ang dalawa iba pang kasama ng lalaki at nakihampas na rin sa mag-asawa.

Inawat ng mga dumating na kapitbahay ang kaguluhan.

Ayon sa may-ari ng tindahan, nagalit umano ang customer na lalaki dahil hindi nila ma-cash out ang P200 na pera ng lalaki sa isang e-wallet.

Dagdag pa, wala raw kasing natanggap na pera ang may-ari.

Naireport na sa pulisya ang pangyayari.

Agad naman na nahanap ang tatlong suspek na napag-alamang lasing pala nang mangyari ang insidente. RNT/JGC