Home HOME BANNER STORY POGO ops nais nang ipatigil ni Recto

POGO ops nais nang ipatigil ni Recto

MANILA, Philippines – Nais irekomenda ni Finance Secretary Ralph Recto nitong Lunes, Hulyo 8 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipahinto ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), kasabay ng mga isyung nakapalibot sa naturang industriya.

Ayon kay Recto, bagamat siya ay hindi tutol sa mga POGO, ang mga illegal na aktibidad na isinasagawa ng ilang POGO companies katulad ng sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na nagging impluwensya para magkaroon siya ng ganitong desisyon.

“Frankly, I’m not a fan of gambling and two, I’m not a fan of POGOs, really. But if they were not doing any hanky panky and they’re paying taxes, fine with me. But I think there are many issues already surrounding the POGO industry ‘di ba,” ani Recto.

“Given that, like I said, I’m willing to recommend to the President na ‘wag nang ituloy ‘yung POGO,” dagdag pa niya.

“Kung wala namang kasalanang ginagawam, I suppose puwede pa, but I think in general we don’t have to pin our hopes on POGO. In my case, with regard to the Department of Finance, I’m not in favor of POGO,” pagpapatuloy pa ni Recto.

Matatandaang makailang-ulit na ring ipinanawagan ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno ang POGO ban dahil ang POGO ay ipinagbabawal sa Cambodia at maging sa China mismo.

Ayon kay Finance Undersecretary Bayani Agabin noong Oktubre 2022, makakarekober naman ang bansa mula sa mga posibleng mawala dahil sa pagpapalayas sa mga POGO. RNT/JGC