Home NATIONWIDE MARINA: Seafarers sa Houthi attack, tutulungan

MARINA: Seafarers sa Houthi attack, tutulungan

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng mga hakbang ang Maritime Industry Authority (MARINA) upang tulungan ang mga marino na apektado ng kamakailang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi.

Ipinabatid ni Administrator Sonia Malaluan na ang lahat ng kinakailangang dokumento ay ire-reissue nang walang bayad at walang karagdagang mga kinakailangan.

Bilang karagdagan, hinikayat ng MARINA ang mga shipping lines na iwasan ang conflict zones gaya ng Red Sea at Gulf of Aden.

“We are ensuring that we are not putting the lives of seafarers at risk,” binigyang-diin ni Malaluan.

Higit pa rito, ganap na sinusuportahan ng ahensya ang patakaran ng Department of Migrant Workers (DMW), na nagpapahintulot sa mga Filipino seafarer na tumanggi sa pagsakay sa mga barkong dumaan sa mga lugar na may mataas na peligro. Jocelyn Tabangcura-Domenden