Home METRO Mag-asawang senior patay sa nasunog na bahay sa QC

Mag-asawang senior patay sa nasunog na bahay sa QC

MANILA, Philippines – Natagpuang-patay ang mag-asawang senior citizen sa nasunog nilang bahay sa Cubao, Quezon City.

Sa ulat, naganap ang sunog bandang alas-8 ng gabi ng Martes, Marso 5, sa Stanford Street, Barangay E. Rodriguez na umabot sa unang alarma.

Edad 77 at 80 ang mag-asawang senior citizen habang nakaligtas naman ang kasambahay nito.

Hindi pa matukoy kung sa sunog nga ba nasawi ang mag-asawang senior citizen.

“Actually, may dugo kasi kaya bahala na ang investigator… mag-establish kung ano ‘yung mga nakita nila at naimbestigahan nila ‘yung nasabing pangyayari. Kung arson man ‘yan or talagang merong crime na ginawa sa pamamagitan ng pagtatago ng kaniyang krimen,” sinabi ni Barangay Captain Marciano Buena-Agua sa panayam ng GMA News.

Naghinala naman ang barangay sa nakaligtas na kasambahay dahil nakaalis ito ng bahay na may bitbit pang maleta.

Agad na dinala sa barangay hall ang kasambahay na nagtangka pa umanong tumakas.

Mabilis namang natunton ng mga tanod ang kasambahay.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang sanhi ng pagkamatay ng mag-asawang senior citizen. RNT/JGC

Previous article17 senador nagpahayag ng suporta kay Zubiri
Next articleDaniel, binansagang ‘Daniel The Explorer’!