Home ENTERTAINMENT Daniel, binansagang ‘Daniel The Explorer’!

Daniel, binansagang ‘Daniel The Explorer’!

Manila, Philippines – May bagong bansag ngayon sa single na muling si Daniel Padilla.

Don’t get us wrong, pero in fairness ay hindi naman derogatory o nakakainsulto ang tag sa aktor these days.

Ayon sa kanyang mga fans, angkop daw siyang tawaging “Daniel The Explorer.”

Siyempre, inspired ito ng karakter ni Dora.

After kasi ng breakup nila ni Kathryn Bernardo ay hindi na pumirmi ang aktor sa Maynila.

First, Daniel flew to Japan.

Nang makabalik ay sa Siargao naman ang next destination niya.

Pagkatapos nu’n ay saglit lang siyang namalagi sa Maynila para sumipot sa isang “tuhog” event.

First was to renew his contract with Star Magic at pag-attend ng meeting sa Star Music.

Balik-recording na uli kasi si Daniel, a welcome news para sa kanyang mga fans.

‘Di doon natapos ang mga biyahe niya dahil tumungo si Daniel sa Hongkong.

Ang latest, he found himself in Dubai, UAE.

Correction please, hindi raw puro pagpapasarap ang pag-iikot ni Daniel sa mga lugar na ‘yon dahil may negosyo rin siyang inaasikaso.

Ikinututuwa naman ng mga solid Daniel fans na nalilibang ang kanilang idolo at hindi lugmok o hilahod like most brokenhearted celebrities.

Oo nga naman, life is short to be spent sulking in one corner. Ronnie Carrasco III

Previous articleMag-asawang senior patay sa nasunog na bahay sa QC
Next articleTulong sa mahihirap sa gitna ng inflation, palakasin – Bong Go