Home METRO Mag-ina dedo sa menor sa Laguna

Mag-ina dedo sa menor sa Laguna

72
0

LAGUNA, Philippines – Kapwa binawian ng buhay ang isang ginang at apat na taong gulang na anak nito matapos na  pagpapaluin ng martilyo ng isang lalaking menor de edad  kagabi sa Patria Subd  Barangay Del Remedio sa lunsod ng San Pablo, Laguna.

Kinilala ang mag-inang nasawi na sina alyas Maria 32, with live in partner  at anak nito na s alyas Kid 4, pawang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Pablo Component  City Police Station dakong alas – 11:50 kagabi habang ang mag- inang biktima na kapwa duguan ng matagpuan kung saan dead on the spot sa pinangyarihan ng  insidente ang nasabing ginang , samantalang mabilis  na isinugod sa pinaka – malapit na hospital ang anak nito subalit kaagad din itong binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Napag- alaman na kasalukuyan umanong nasa loob ng kanilang bahay ang mag- inang biktima nang sugurin umano ito ng suspek kasabay ng pagpalo nang martilyo sa ginang gayundin sa anak nitong lakaking apat na taong gulang .

Nabatid sa ulat na hinihinalang nagtanim ng sama ng loob ang suspek sa biktima dahil sa madalas umano nitong sermunan.

Samantalang kaagad na nadakip ang suspek na nakilala sa alyas Pat 14 anyos,  kaninang madaling -araw makaraang matagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang isang  duguang T- shirt na umano ay pag-aari ng suspek.

Ang suspek ay pansamantalang nasa pangangalaga  ng DSWD sanhi ng menor de edad pa ito. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here