Bulacan – Sugatan ang dalawang indibiduwal na lulan ng isang sikat na ride sa perya nang kumalas at tumilapon ito sa bayan ng Santa Maria nitong gabi ng Enero 21.
Sa ulat, ang mga biktima ay pawang mag-inang nakasakay sa bagon ng caterpillar ride sa peryang nakalatag sa likod ng palengke sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat at mga saksi, mula sa dahan-dahan ay biglang bumilis ang takbo ng caterpillar ride hanggang aksidenteng humiwalay at tumilapon ang bagon na sinasakyan ng mag-ina.
Dinig rin umano ng mga saksi dahil sa sobrang tulin ay may mga sumisigaw na magdahan-dahan ang pagpapatakbo dahil maraming batang nakasakay hanggang tumilapon ang bagon na sinasakyan ng mag-ina
Dinala ng mga awtoridad ang mga biktimang sugatan sa ospital para sa kaukulang paunang lunas. (Dick Mirasol III)