Home METRO Mag-utol todas sa pamamarilMETRONATIONWIDETOP STORIES Mag-utol todas sa pamamarilSeptember 14, 2024 15:20 FacebookTwitterPinterestWhatsApp ILIGAN CITY- Patay sa pamamaril ng hindi natukoy na gunmen ang dalawang magkapatid sa Barangay del Carmen sa lugar na ito nitong Miyerkules.Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina John Rey, 28, at Eric John, 30, kapwa may apelyidong Miguel.Batay sa mga saksi, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril at nakita ang pag-alis ng dalawang sasakyang mabilis ang takbo mula sa lugar.Idineklara ng Iligan City Disaster Risk Reduction Management Office ang mga biktima na dead on the spot.Sinabi ni Iligan City Police Office spokesperson Police Major Zandrex S. Panolong na isang mainit na pagtatalo ang mitsa ng pamamaril.Tinutugis na ng mga pulis ang dalawang suspek na tumakas sakay ng dalawang kotse.Hustisya naman ang sigaw ng pamilya at mga kaibigan ng dalawang magkapatid.Pinaslang umano ang mga biktima matapos tumanggi ang mga ito na magbigay ng alak sa isang customer, base sa employer ni John Rey. RNT/SA