MANILA, Philippines – Dalawang magkapatid na minero na kinilalang sina Jun at Mac ang nasawi, habang 12 ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang jeepney sa bangin sa Barangay Bulbulala, Licuan-Baay, Abra noong hapon ng Marso 11.
Ayon kay Police Capt. Christopher B. Abbacan, nawalan ng preno ang jeepney na may 18 sakay, kasama ang drayber, habang bumababa sa palikong kalsada at nahulog sa bangin, kung saan ito bumaligtad.
Labing-apat ang nasugatan, habang apat na pasahero ang hindi nasaktan.
Papasok sana sa trabaho ang mga biktima nang mangyari ang insidente. Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga nasugatan.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga drayber na laging suriin nang maayos ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe para sa kaligtasan ng lahat. Santi Celario