Home METRO Magalong: Ilang mahahalagang dokumento, nasunog sa DPWH-CAR

Magalong: Ilang mahahalagang dokumento, nasunog sa DPWH-CAR

190
0

MANILA, Philippines – Nasunog ang ilang sensitibong dokumento sa sunog na tumama sa regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa Baguio City, ayon kay Mayor Benjamin Magalong nitong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), naapektuhan ng apoy ang isang malaking fireproof vault na naglalaman ng duplicate copies ng DPWH documents na naipasa na sa Commission on Audit (COA), kaya ligtas ang mga ito.

Gayunpaman, sinabi ni Magalong na may ilang sensitibong dokumento sa labas ng vault na nasunog.

Ayon sa alkalde, maaaring abutin ng limang araw bago magkaroon ng malinaw na resulta ang imbestigasyon. Iniutos ni DPWH Secretary Vince Dizon na mahigpit na isecure ang site 24/7, at ipinagbabawal ang pagpasok ng kahit sino, kabilang ang DPWH personnel, habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Batay sa paunang ulat, nagmula ang sunog sa stock room ng gusali, at may mga nakakita ng sparks mula sa electric post kasunod ng amoy ng pagkasunog.

Kumuha ang BFP Baguio City ng mga sample mula sa lugar para sa laboratory testing sa national headquarters. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here