Home NATIONWIDE Magarbong party ni PBBM binatikos

Magarbong party ni PBBM binatikos

MANILA, Philippines – Binatikos ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro ang sobrang magarbong birthday party ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan kasama pa sa nagperform ang English pop rock band na Duran Duran.

Ayon kay Castro, kahit pa man sabihin na mga kaibigan ni Pangulong Marcos ang gumastos sa magarbong okasyon na ginanap sa isang five star hotel sa Pasay City ay hindi pa rin ito tama.

“This ostentatious display during President Marcos’ birthday, regardless of who footed the bill, is in extremely poor taste. While millions of Filipinos are grappling with economic hardships, such a lavish celebration only underscores the stark contrast between the ruling elite and the ordinary citizen,” pahayag ni Castro.

Bagamat una nang ipinaliwanag ng Malacanang na ang walang pondo ng gobyerno ang ginastos sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Marcos, iginiit ni Castro na hindi pa rin ito tamang pagpapakita ng wastong asal lalo para sa pinakamataas na lider ng bansa.

“The country’s leaders should be exemplars of humility and empathy, particularly during challenging times. Kaya hindi maganda ang ganitong kagarbong mga handaan, lalong hindi maganda kung ayaw ipakita o ilahad saan ginastos ang pera ng bayan” giit ng lady solon.

Umapela si Castro kay Pangulong Marcos gayundin sa iba pang opisyal ng pamahalaan na magpakita ng aksyon na akma sa tunay na spirit ng public service. Gail Mendoza