Home NATIONWIDE Magat Dam nagpakawala ng tubig sa hagupit ng Super Typhoon Nando

Magat Dam nagpakawala ng tubig sa hagupit ng Super Typhoon Nando

291
0

RAMON, Isabela – Habang patuloy ang pananalasa ng bagyong Nando na nakataas Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Isabela ay binuksan na ang tatlong spillway gate ng magat dam na nakabase dito sa nasabing bayan.

Binuksan ang tatlong spillway gate ng Magat Dam na may taas na anim na metro. Inaasahan na tataas ng hanggang 10 hanggang 20 sentimetro ang antas ng tubig sa ilang bahagi ng ilog sa Magat.

Ayon kay Division Manager, Engineer Carlo Ablan ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS ang pagpapalabas ng tubig ay upang mapanatili ng ideal elevation ng dam na 182 hanggang 184 metro na siyang mas mababa sa 190 meters normal water level.

Wala mang malakas na pag-ulan sa watershed ng Magat Dam, ang pagpapakawala ng tubig ay isang hakbang upang paghandaan ang posibleng pagkakaroon ng malakas na ulan sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan at dadaanan ng tubig na inilalabas mula sa dam ay ang mga bayan ng Ramon, San Mateo, Cabatuan, Aurora, Naguilian, Gamu, at Reina Mercedes.

Pinayuhan ang publiko na maging mapagmatiyag at alerto lalo sa mga malapit sa ilog para maiwasan ang hindi inaasahang insidente. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here