Home NATIONWIDE Magat Dam rehab target ng gobyerno

Magat Dam rehab target ng gobyerno

MANILA, Philippines – INTERESADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing modernisado at I-rehabilitate ang Magat Dam.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), sa paglulunsad ng P65.7-million Cabaruan solar-powered irrigation project (SPIP) sa Quirino, Isabela, hinikayat ni Pangulong Marcos ang National Irrigation Administration (NIA) na i-check ang kalagayan ng Magat Dam.

“Nag-uusap nga kami ni Administrator Guillen. ‘Ika namin, balikan natin, tingnan natin ullit ‘yung Magat Dam at tingnan natin kung pupuwede pa. Mukhang mayroon pang kailangan. Mayroon siguro rehabilitation na kailangan. Pagandahin natin,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Lagyan din natin ng ganitong solar kung babagay siya para naman i-modernize natin lahat ng ating mga facilities,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ng PCO, itinayo ang Magat Dam noong 1975. Ang dam ang naging “major source of irrigation” para sa 85,000 ektarya ng lupa ng sakahan sa Cagayan Valley Region.

Nakalikha rin ang Magat Dam ng 540 megawatts ng hydroelectric power. Gayunman, sa kasalukuyan, ang dam ay

“threatened by continuous siltation, sedimentation, slash-and-burn farming, illegal logging, at fish caging.”

Tinuran pa ni Pangulong Marcos ang Cagayan River, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas, nagkaroon ng napakaraming potensyal para sa agriculture sector dahil sa tributaries na konektado rito. Kris Jose