Home NATIONWIDE Ugnayang pulitikal, seguridad at kalakalan palalakasin ng Pinas at New Zealand

Ugnayang pulitikal, seguridad at kalakalan palalakasin ng Pinas at New Zealand

KAPUWA sumang-ayon ang Pilipinas at New Zealand na itaas ang kanilang umiiral na pagtutulungan sa usapin na pampulitika at seguridad at buksan ang mga bagong lugar para sa kalakalan at pamumuhunan.

Nauna rito, nakipagpulong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kina New Zealand Deputy Prime Minister at Foreign Minister Winston Raymond Peters na nasa kanyang official visit sa Pilipinas.

”We agreed to strengthen our existing mechanisms for cooperation on political, security and defense and labor, and to open new avenues for partnerships in trade and investment that leverage our respective strengths while promoting our national priorities, particularly on renewable energy and combating climate change,” ayon kay Manalo sa kanilang joint press briefing.

”We welcomed the signing of the Mutual Logistics Support Arrangement (MLSA), a pivotal document that will greatly enhance future military engagements between our nations,” dagdag na pahayag ni Manalo.

Kapuwa sinang-ayunan din aniya ng Pilipinas at New Zealand na magsagawa ng mas mandalas na pagpapalitan ng high-level visits at pag-usapan ang mga pamamaraan para itaas ang kanilang ‘connectivity’ sa pamamagitan ng air flights at visas.

”In this regard, I expressed appreciation for New Zealand’s recognition of the vital contributions of the Philippine diaspora to New Zealand’s continued economic prosperity and the richness of its social fabric, and conveyed the hope that their government will ensure the well-being of our kababayans, including safeguarding their hard-earned social security pensions,” ayon kay Manalo.

Samantala, pinasalamatan naman ni Manalo ang gobyerno ng New Zealand para sa matatag na suporta nito sa mga hamon na kinahaharap ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

”We reaffirmed our continued commitment to uphold the rule of law as a pillar to achieving peace and security in the region,” ang sinabi ni Manalo.

Kumpiyansa naman si Manalo na mananatiling isang “trusted partner” ang New Zealand sa pagtataguyod ng ASEAN centrality. Kris Jose