MANILA, Philippines – Mahigit 11,000 security personnel ang ipapakalat sa buong bansa para sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12, 2024, sinabi ng Philippine National Police.
Sinabi ni Police spokesperson Colonel Jean Fajardo na 11,692 tauhan mula sa PNP, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard ang ipapakalat sa Metro Manila at mga lalawigan.
“’Yung ating deployment po ay pwede po ‘yan magkaroon ng adjustment, depende po sa mga darating na araw. But as of today po, ang bilang po ay nasa around 11,692,” dagdag pa ni Fajardo.
Noong weekend, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority ang inaasahang pagsasara ng kalsada para sa pagdiriwang. RNT