Home METRO Sundalo utas sa engkuwentro sa NPA

Sundalo utas sa engkuwentro sa NPA

TACLOBAN CITY — Patay ang isang sundalo matapos na makipagbarilan sa mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng San Jose de Buan, Samar nitong weekend.

Nangyari ang umano’y engkuwentro dakong alas-7:30 ng gabi. noong Linggo, Hunyo 9.

Tinamaan sa tiyan si Corporal Marvin Calvintos sa dalawang minutong bakbakan.

Nasa lugar ang mga sundalo bilang bahagi ng kanilang security patrol.

Ang San Jose de Buan ay isa sa mga bayan sa Samar kung saan may nakikita pa rin ang NPA.

Pinuri ng 8th Infantry Division, na nakabase sa Catbalogan City, Samar, si Calvintos sa “ultimate sacrifice” sa gitna ng labanan laban sa mga rebeldeng komunista. RNT