Home METRO P5M shabu, marijuana nasabat sa Cordillera

P5M shabu, marijuana nasabat sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet – Nasamsam ng mga pulis ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P5.1 milyon at naaresto ang limang hinihinalang tulak ng droga mula Hunyo 3 hanggang 9 sa rehiyon ng Cordillera.

Sinabi ng Police Regional Office-Cordillera na dalawang suspek ang nahuli sa pamamagitan ng pagpapatupad ng search warrant sa Kalinga at Apayao, isa ang nahuli sa checkpoint sa Kalinga, isa mula sa pagresponde ng pulisya sa Mountain Province, at isa sa pamamagitan ng warrant of arrest. sa Baguio City.

May kabuuang 12.69 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P86,292 ang nakumpiska mula sa mga suspek – apat ay streel-level na indibidwal at isa ay high-value individual.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakadiskubre rin ng awtoridada ang 6,100 fully grown marijuana plants at 7,650 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P1.5 milyon mula sa mga plantasyon sa Kibungan at Bakun, Benguet.

Sa kabilang banda, narekober sa Lamut Road sa Shilan, La Trinidad, Benguet ang 29,000 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa mobile patrol. RNT