Home HOME BANNER STORY Magic 12 ng Senado ipinroklama na ng Comelec

Magic 12 ng Senado ipinroklama na ng Comelec

118
0

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ng hapon, Mayo 17, ang proklamasyon ng mga nanalong Magic 12 senators, ang pinakamaagang panahon sa kasaysayan ng poll body.

Dumalo ang 11 nanalong senador sa ginanap na proklamasyon sa Manila Hotel Tent City.

Ang ika-12 ang unang tinawag sa entablado habang ang nangunguna ay huling umakyat sa entablado.

Si Senator Imee Marcos na nasungkit ang ika-12 na pwesto sa senado at nagkamit ng 13,339,227 boto ay ang unang naproklama.

Si Senador Bong Go, na nanguna matapos makakuha ng 27,121,073 boto, ang huling naproklama.

Ipinroklama rin ang mga senator elects at opposition figures na sina Bam Aquino (ika-2 na may 20,971,899 boto) at Kiko Pangilinan (ika-5 na may 15,343,229 na boto).

Hindi naman nakadalo sa proklamasyon si Pangilinan dahil dumalo siya ng graduation ceremony ng kanyang anak na si Frankie sa United States.

Maliban kay Go, ang PDP-Laban senatorial bets na si Ronald “Bato” Dela Rosa na ikatlo ay nakakuha ng 20,773,946 na boto at Rodante Marcoleta na nakapwesto sa ika-anim at nagkamit ng 15,250,723 boto ay naproklama rin.

Sa administration senatorial slate, si Erwin Tulfo ang nakakuha ng pinakamataas na boto na may 17,118,881 boto na nasa 4th rank, habang ang mga kasamahan sa slate na sina Panfilo Lacson (7th na may 15,106,111 votes), Tito Sotto (8th with 14,832,996 votes), Pia Cayetano (34,5th votes), Pia Cayetano (34,5th votes). (ika-10 na may 13,651,274 boto), at Lito Lapid (ika-11 na may 13,394,102 boto).

Tinapos ng Comelec ang canvassing ng 175 certifacates of canvass (COC) ng tatlong araw lamang matapos ang May 12 eletions na pinakamabilis sa kasaysayan ng poll body.

Ang proklamasyon ng mga nanalong senador ng wala pang isang linggo pagkatapos ng midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here