Home ENTERTAINMENT TV5, humahataw, ni-launch ang Primetime Primera block!

TV5, humahataw, ni-launch ang Primetime Primera block!

Manila, Philippines — Palaban na talaga ngayon ang TV5 sa network war na dati ay dominated lang ng dalawang network giants, ang GMA 7 at ABS-CBN.

Sa panahon ngayon na puno nang network collab ay lalo pang lumalakas sa ranking ng mga surveys ang weekend trip ng TV5.

For the record, puro bago at hitik daw sa blockbuster lineup ang weekend and early primetime offerings ng mga nagbabalik at pina-bonggang fan favorites ng TV5.

Ayon sa mga nago-observe na netizens ay maganda ang kombinasyon ng TV5 ng reality, news, at drama kaya lumalakas ang kanilang weekend lineup na nagbubukas ng bagong yugto sa early primetime programming sa weekend.

Sa Primetime Primera, ipinapakita ng Kapatid network ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng primera klaseng news and entertainment tampok ang original and relatable content na naglalapit sa puso ng bawat Pilipino.

Take these lineup for instance.

This weekend, nagbabalik na ang Emojination sa ika-lima nitong season na siguradong emoji-filled sa saya at katatawanan every Sabado ‘yan ng 5:30 PM.

Ang OG bida-oke naman ng bansa na Sing Galing ay twice a week nang mapapanood—tuwing Sabado ng 6:15 PM at Linggo ng 6:30 PM—para sa nag-uumapaw na kantawanan para sa buong pamilya.

Samantala, doble naman ang misteryo ang hatid ng comeback ng Masked Singer Pilipinas sa ikatlong season nito tuwing Sabado ng 8:30 PM at Linggo ng 8:45 PM.

Dagdag excitement din ang bagong Primetime Primera block mula Lunes hanggang Biyernes, na magsisimula ngayong Mayo 19.

Ito ang bagong tambayan ng mga primera-klaseng programa na tatatak sa puso ng manonood.

Bubungad di sa bagong Primetime Primera tuwing 5:30 PM ang Una sa Lahat, isang makabagong news program na anchored ng seasoned at award-winning journalist na si Jiggy Manicad. Hatid ng programa ang most important headlines for the day—live at real-time, mula mismo sa pinangyayarihan ng mga balita.

Kasunod nito ang primetime newscast na Frontline Pilipinas ng 6:00 PM na patuloy na naghahatid ng mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at napapanahong balita para sa bawat Pilipino.

Ang viral at trending youth series na Ang Mutya ng Section E ay mapapanood na rin sa telebisyon simula May 19 ng 6:45 PM. Tampok dito ang mga fresh at fast-rising stars na sina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin Angeles na handa nang dalhin ang kilig, riot, at feels ng hit online series sa free TV!

Hindi rin pahuhuli ang primetime action drama na Totoy Bato na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, dala ang intensity at laban para sa hustisya, napapanood tuwing 7:15 PM. JP Ignacio