Home METRO Magkakapatid na paslit natusta sa nasunog na bahay

Magkakapatid na paslit natusta sa nasunog na bahay

0
Magkakapatid na paslit natusta sa nasunog na bahay

BULACAN- Hindi inakala ng isang ina nagtungo sa burol sa kanilang kapitbahay, na sunod na ibuburol ang kanyang tatlong anak na paslit matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay, noong Miyerkules.

Kinilala ang mga biktimang sina Marcus, 5; Maliah, 3, at Maecy, 1, pawang mga residente ng Barangay Gatbuca, Calumpit, Bulacan.

Ayon kay FO1 Melanie Eicao ng BFP Calumpit Arson Department, nagsimula ang apoy bandang alas-11:17 ng gabi at tuluyan itong naapula dakong alas-11:40 ng gabi.

Kwento ng kaibigan ng ina ng mga biktima, magkasama sila sa isang burol sa kanilang kapitbahay ng makarinig sila ng sigaw na “sunog.”

Aniya, mabilis silang tumakbo para alamin ang lugar ng nasusunog subalit hindi na agad sila nakalapit dahil makipot ang daan at maraming tao ang nasa daanan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog ay tuluyan nilang naapula ang apoy subalit nakita na lamang nila ang sunog na bangkay ng magkakapatid.

Nabatid na iniwan ng ina ang kanyang mga anak na natutulog na may nakasinding kandila na posibleng pinagmulan ng sunog.

Tumulong naman ang barangay sa pagpapa-cremate sa mga bata at ibinurol sa barangay hall.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here