CEBU CITY- Umabot sa P8.6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa pinaigting na buy-bust operation noong Biyernes sa Mandaue City.
Kinilala ang nadakip na suspek na isang high-value individual sa pangalan Jem-jem, 41, residente Barangay Bulacao, Cebu City.
Ayon kay Police Col. Cirilo Acosta Jr., hepe ng Mandaue City Police Office (MCPO), isinagawa ang operasyon ng mga ahente ng City Intelligence Unit-City Drug Enforcement Unit sa barangay Ibabao, Estancia ng nasabing lungsod.
Nakuha sa suspek ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8.6 milyon.
Sinabi ng pulisya, sa tulong ng komunidad at pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ay nagresulta ito sa pagkakadakip sa suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga kasabwat ng suspek para sa agaran pagdakip.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico