Home METRO Magkumpareng tulak swak sa kulungan

Magkumpareng tulak swak sa kulungan

MANILA, Philippines – Kalaboso ang magkumpareng tulak na dinampot sa Duhat Road, Brgy. Potrero, Malabon.

Isang parak ang nagkunwaring buyer at nang magkaliwaan na ng epektus at marked money ay dinamba na ang dalawang suspek.

Nasamsam kina alyas Tom at Jerry ang 23 gramo ng shabu na may presyong P156,400, drug paraphernalia at buy-bust money.

Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Iral

Previous article5 bata kabilang sa 11 nasawi sa strike ng Russia sa Ukraine
Next articlePlanong SRP ng bigas dapat makatwiran, ‘di dapat sobrang baba – grupo