MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Iloilo ngayong Miyerkoles ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Yumanig ang mababaw na lindol sa layong 8 kilometers southwest ng bayan ng Guimbal bandang 9:21 ng umaga, dagdag pa ng seismic bureau.
Agad na lumikas ang mga empleyado at iba pang indibidwal sa Iloilo Provincial Capitol bunsod ng naramdamang malakas na pagyanig.
Wala namang inaasahang aftershocks at pagkasira sa nasabing lindol. Mary Anne Sapico