Home NATIONWIDE MMDA: Motor, bike riders dumami; kotse kumonti sa EDSA

MMDA: Motor, bike riders dumami; kotse kumonti sa EDSA

140
0

MANILA, Philippines – Kumonti ang mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis, kasabay ng pagdami ng gumagamit ng motorsiklo, bisikleta, at pampublikong transportasyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Batay sa datos ng MMDA, bumaba ng 6.58 porsiyento ang bilang ng mga kotse sa EDSA, mula 225,002 noong Marso 2 bago ang oil price hikes hanggang 210,202 pagsapit ng Abril 6.

Samantala, tumaas naman ng 4.27 porsiyento ang motorcycle traffic mula 194,974 hanggang 203,301, habang umakyat ng 6.36 porsiyento ang bicycle volume mula 1,273 hanggang 1,354 sa kaparehong panahon.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakatulong ang pagbaba ng volume ng mga kotse sa pagluwag ng daloy ng trapiko at pagbawas sa konsumo ng gasolina. “Well, in so far as traffic management is concerned, medyo magandang development ‘yan for us dahil nga nababawasan ‘yong traffic, nababawasan din ang konsumo ng gasolina,” aniya.

Bumuti rin ang average traffic speed sa EDSA mula 9 kilometers per hour tungo sa 26 kilometers per hour.

Sinabi rin ni Artes na dumami ang bilang ng mga gumagamit ng pampublikong transportasyon, lalo na tuwing rush hour, kaya nakikipag-ugnayan ang MMDA sa Department of Transportation upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga commuter.

“‘Yan siguro ang isa sa major effect dahil nakikita natin, especially during rush hour, na mas humahaba ang pila sa pampublikong transportasyon,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here