MANILA, Philippines – Naitala ang magnitude 5.8 na lindol sa silangan ng General Luna, Surigao del Norte nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ang lindol alas-9:41 ng gabi, may layong 35 kilometro sa silangan ng General Luna at lalim na 10 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala ang instrumental Intensity III sa Abuyog at Hilongos sa Leyte, gayundin sa Sogod at San Francisco sa Southern Leyte.
Intensity II naman ang naitala sa Dulag at Baybay sa Leyte at Hinundayan sa Southern Leyte.
Samantala, Intensity I ang naitala sa Alangalang at Palo sa Leyte, Malitbog sa Southern Leyte at Surigao City.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala mula sa lindol ngunit posible ang mga kasunod na pagyanig o aftershocks. Santi Celario