Home METRO Magpinsang hayskul studes dedo sa salpok ng trak

Magpinsang hayskul studes dedo sa salpok ng trak

MANILA, Philippines- Maagang binawian ng buhay ang magpinsang high school students nang mabangga ng truck sa Andaya Highway, F. Simeon, Ragay, Camarines Sur nitong Lunes ng hapon.

Iniulat ng Ragay Municipal Police Station na sakay ng motorsiklo ang magpinsang isang babae at isang lalaki na kalalabas pa lamang ng paaralan pasado alas-5 ng hapon nang mabangga ito ng isang truck papuntang Maynila. 

Tumilapon ang dalawa at nasira ang kanilang sasakyan. Batay sa ulat, dumiretso lamang ang nakabanggang truck subalit sumuko ang driver sa PNP checkpoint sa kasunod na bayan.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang truck driver.

Gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng PNP Ragay. RNT/SA